Manny Villar NOT NOY NOY
April 6, 2010In Times of Roman, hindi naman tlg nawala ang corruption eh at kahit anong laban mo sa corruption hinding hindi mawawala yan. Bagaman maraming pinanghahawakang kapangyarihan sa Kapulisan o maging sa sandatahan, hindi mo parin maiwawaksi ang corruption sa Pilipinas. Una, Kaya nagkaroon ng corruption ay dahil sa pagtratraydor sa mga taong may kapangyarihan at sa mga taong inaakalang walang pag-iisip, pangalawa nagkakaroon ng corruption dahil sa ang tao ay may FREE WILL. CORRUPTION STARTS AT HOME. Kung sinanay mo ang iyong anak sa pahingi-hingi ng barya, ano pa’t mangyayari din ito sa kanyang paglaki hanggang sa magnais na sya na magkamkam ng malaking salapi. ANG GAWA ANG NAGPAPAKITA NG KAHUSAYAN SA KAPWA AT SA PAMILYA NGUNIT HINDI ANG KAGITINGAN ANG NAGPAPAKITA NG KAHUSAYAN SA KAPWA AT PAMILYA. Huwag nating gamitin bilang isang kapangyarihan ang ginawa ng ating pamilya bagaman ipakita mo kung ano ang nararapat gawin sa kanila. Nais ng mga pilipino na magkaroon ng Trabaho at sino bang hinde?
Kung merog corruption sa Pilipinas dapat nagsimula na si Noy Noy Aquino makipaglaban sa corruption nung hindi pa sya tumatakbong presidente o senador. Kung merong corruption sa Pilipinas dapat turuan niya ang mga pilipino na turuan ang bawat pamilya na huwag sanayin ang miyembro sa salapi bagkus turuan kung pano hanapin ang salapi. Nakapagtataka tlg db? nung panahon ni Erap lumabas ba si Noy noy aquino? Yung mga nagbebenta ba ng pekeng dvd at cd meron ba syang ginawa? wala rin naman. Huwag naman sabihin na dahil hindi pinakialaman ay dahil walang kapangyarihan. MALI. Matagal na nating pinaglalaban ang tama at ito’y walang alam na batas.
Paano mo lalaban ang corruption kung sa unang panahon pa lamang ay hindi na ito napigilan? Malaking kasinungalingan at malaking kahangala. Tanging isang dukha gaya ni Manny Villar ang maaaring magwaksi ng corruption sa Pilipinas.
Si Manny Villar lamang ang Filipino Developer; ang lahat ay american developer at chinese developer. Wala kang mapapala sa “Itutuloy ko ang laban” walang walang mangyayari. Labanan mo man ang corruption wala paring trabaho ang maraming Pilipino dahil ikaw mismo hindi mo sila mabigyan ng kabuhayan at mapagkakakitaan ng hanapbuhay. Hindi pa nakakaupo si Manny Villar sa pagkapresidente marami nang nagkaroon ng hanapbuhay. Iyan ang hindi alam ng marami sa atin.
Pagandahin natin ang Pilipinas, Pagbutihin ang pagnenegosyo sa Pilipinas at patunayang hindi lamang ang ibang bansa ang makinabang sa dugot pawis ng mamamayang pilipino. Pakinabangan nating mga Pilipino ang husay at galing natin sa pagnenegosyo at gaganda ang buhay, maraming magkakatrabaho, maraming makikinabang, walang maghihirap. Huwag tayong umasa sa “hingi” sapagkat ito’y nagdudulot ng katangahan ng maraming Pilipino at katamaran ng mga Pilipino. Turuan natin sila na kung paano mangisda.
-a.k.a
papie








