Ang pagtalima ko sa aking Ina
March 11, 2009Part 3
Chapter 22
Kinagabihan nga ng araw na iyon, umuwi akong bitbit ang aking pasalubong sa aking ina; isang pirasong suman na pagkasarp-sarap. Tuwang tuwa ang aking ina nang malaman niyang may pasalubong ako para sa kanya na sa kahit maliit na pasalubong ay nabigyan ko sya ng malaking kasiyahan. Siya ay may animnapung taong gulang na at may edad na. Galak na galak ako sa tuwing makikita ko siyang nakangiti kasama ako at kahit may katandaan na siya ay minabuti ko paring inisip na ang taging makapag papaligaya ng kanyang puso ay ang pagbibigay pagmamahal sa kanya. Ang tunay kong ina ay nasa malayo at ang tangi kong tinatahanan at ang tanging naging ilaw ng aking kaalaman at kamalayan sa buhay ay ang aking ina nag nagpalaki sakin ng tunay magbuhay ng ako’y bata pa.
Masipag akong pumasok sa paaralan samantalang ginigising ako ng aking ina sa madaling araw, pinapalo nya ako upang maggulat sakin, magising at makapagbihis sa madaling araw. Tanging mainit na lugaw ang paburitong ihain sakin ng aking ina. Naalala ko rin noon na nang nahuli ako sa paggising ko pati ang aking ina ay dali-daling tumakbo sa labas ang aking ina upang bumili ng lugaw ngunit sa kakamadali niya ay nabutas ang katangi-tanging balot ng lugaw. Sinabi ko sa aking ina na “nay, huwag na dahil mahuhuli ako sa pagpasok ko at sa loob ng paaralan na lamang ako kakain”.
Isang mapagmahal ang aking ina buhat sa araw na iyon bagaman tao at hindi perpekto ay nagkakamali rin. Ang aking ama ay isang matapang na tao, may paninindigan bagaman may katapangan ay nalalango rin sa kalasingan ng kanyang mga iniisip. Ang aking ama ay isang manginginom nga noon nang ako’y bata pa, at dahil sa ako’y malaki na, siya ngayon ay animnaput dalawang taon na. Sa tuwing nalalasing ang aking ama sa alak ay madalas niyang pinagbubuhatan ng kanyang mabigat na kamay at kamao ang aking ina. Sampal sa magkabilang pisngi ang nakikita ko at naririnig, ungol ng takot na nagmumula sa bibig ng aking ina, mga luhang tumutulo sa mga mata ng akingminamahal na ina. Wala akong magawa, wala ang aking mga kapatid at ako lamang ang tanging matapang sa gabing iyon.
“Ibeng……….! ibeng! Nasan kabang babae ka? halika nga rito!” Takot na takot ang aking ina sa tuwing malalasing siya sa dahilang baka saktan siya ng aking ama. Sa oras ding yaon, napakadilim ng gabi at tanging liwanag ng buwan ang masisilayan naming mag-ama at mag-in. Sa may katabing bahay, si aling Ingga na malapit na kaibigan ng aking ina ang agad na pinuntahan ng aking ina at dahil takot na takot na siya, binalak niyang tumakbo at magpalipas ng gabi. Isang mamamatay na tao, isang walang kwentang ama at pati ang kanyang sariling pamilya ay kanyang pinagdududahan. Isang malupit na tadhana at naging marahas ang aking ama sa akin, sa aking ina at sa iba pa. Nakita ko kung paano niya saktan ang babaeng kanyang tinaliaan ng pangako at pagmamahal sa kanilang pag-iisang dibdib na sinumpaan. Isang marahas na ama, isang malupit na ama na kung maaari pa’t papatayin ang kanyang sariling anak kung lalabag sa utos at kagustuhan niya.
Hindi lang iyon ang araw at gabi na naranasan ko sa aking ama at sa kanyang palad at may dungis ang kanyang pagpapakita. Labis akong nalulungkot kung bakit siya naging ganon, kung bakit siya naging mapagmahal sa bisyo, naging mapagmahal sa salapi, naging maibigin sa puot at galitat pati ang kanyang mga iniibig ay kaya niyang saktan ng malabis. Isang yugto ng aking buhay na nais kong isiwalat at ipakita kung gaano kahirap ang makapiling ang tulad niyang ama. Nang gabing iyon ay umuwi ang aking ama, inihanda na ng aking ina ang hapagkainan at ang aming pinaghandaang ilapag sa mesa ang masarap na adobong pusit na niluto ng aking ina. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, naging mainit ang ulo ng aking ama sa di namin nalalaman kung ano ang dahilan ng kanyang galit. Tahimik ang aking ina habang bigla namang nagsalita ang aking ama ng pasigaw at may galit ang boses, “nasan ba dito ang mga damit ko! bumili ako ng aking mga damit pero nasaan! kayo na lamang ang mga tao dito at hindi nyo malaman kung saan ang aking mga damit na binil?” Bagaman matanda na silang dalawa at ang aking ina ay may mabagal na kilos dala ng kanyang edad at namumuting buhok ay naintindihan ko na sa ganoong sistema ay nalilimutan ang mga bagay na inihahabilin. Ang aking ina ay natataranta na, siya’y may karamdaman at nag aalala ako. pumasok nalamang siya sa kanyang silid dahil alam niyang maaari siyang saktan ng akingmarahas na ama. Di naglaon ay uminit ang usapin nilang dalawa at sa di inaasahang pangyayari ay sinaktang muli ng aking ama ang aking mahal na ina na siya kong ikinagalit.
Ang puso kong tahimik ay biglang sumiklab na parang apoy at ang sigaw sa aking dibdib ay hindi ko napigilang itahimik. Nakita kong sinipa niya ang aking ina at kung maaari pa’y sasampalin kung hindi ko pinigil ang karahasan ng aking ama. Sa palad ng aking ama ay may galit, sa palad ng aking ama ay may puot na dinadala at napapasailalim ng kanyang maruming pag-iisip. Hindi ko nagustuhan ang bagay na aking nakita kung kaya’t sumigaw ako ng malakas, “ama! tama na! palagi na lamang mainit ang ulo mo sa amin dito! ano ba kasalanan namin sayo!” Bigla niya akong pinagbuhatan ng kamao sa mukha pati sa likod. Ang aking mga luha’y bumagsak na sa dahilang naalala ko ang mga madidilim na araw sa piling ng aking ama. Sumbat niya sa akin ang ganitong bagay, “Huwag mo akong sinisigawan! Ako ang nagpalaki sayo at nag paaral sayo!” ngunit nagbigay ako ng aming katarungan at sinabi sa kanyang mga pahayag, “dinadala ka na ng galit mo…dinadala ka ng galit mo.” Tinitigan ko ang kanyang mga mata, mga matang nais magkitil ng buhay. At dahil sa nagkagulo sa loob ng aming tahanan, lumabas ang aking ina mula sa kanyang kuwarto at humarang sa gitna naming dalawang mag ama. Pinigilan niyang masaktan ako muli. Sinabi ng aking amang may galit, “kaya mo nang lumaban sa ama mo! ako ang iyong ama at huwag mo akong ipares sa ibang ama ng mga tao sa paligid!.” Sinabi naman ng aking mahal na ina ang bagay na ito sa kanya, “Hindi lalaban sayo ang anak mo! sumigaw siya dahil sa mga bagay na kanyang maling nakikita!”
Sa pagkabata pa lamang ay naranasan ko na kung gaano kasakit ang makapiling ang amang marahas na pati ang anak at asawa ay kayang saktan ng sariling mga kamay niya. Nabasa ko sa libro ang linyang ito na, “huwag mo dapat saktan ang iyong asawa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili ay mahalin mo rin naman ang iyong asawa.” Ang aking ama ay napasailalim sa bigat at galit ng mundong ito. Nakita ko sa kanyang mga mata kung gaano at paano siya nagbago. Nais ipamungkahing huwag masaktan ng mga lalaki ang mga kababaihan. Sila ang ilaw ng tahanan at tanging pagmamahal at pag aaruga ang tanging makapagpapaligaya sa kanila at ito ang pagtalima ko sa aking mainamahal na ina.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.







