Kalakalang Asya
March 4, 2009Part 3
Chapter 21
Alas Otso ng umagang iyon nang ako’y makarating sa tinatawag nilang napakalaking lupain katabi ng dagat. Malamig ang simoy doon at tinatamaan ng sikat ng araw, di mabilang ang mga tao na naroroon. Sila’y palakad lakad lamang na sinisilayan ang ganda at lawak ng lupain. Sagana sa yaman, sagana sa libangan, isang malinis na lugar at maraming puno. Nakita ko rin doon ang ukit ng iba’t-ibang bansa na nakadikit sa isang malaking inukit na bolang bakal.
Doon ay hinahanap ko ang lugar na maaaring magpalumagsak dahil sa pagod ko sa kakalakad. Hindi ko na nilibot ang buong lupain, sinabi na nila na kulang pa ang isang araw sa paglilibot sa lupaing iyon. Hinanap ko ang lugar na kung saan maaari akong magtimpla ng matapang na kape, isang masarap na kape at dalawang suman ni tinitinda sa isa sa mga tindahan doon. Sa may di kalayuan sa bandang kanan ko ay isang departamento. Pinuntahan ko ito at nagtanong ako kung maaari akong magtrabaho sa kanilang bahay-kalakal. Ako’y nagbigay panayam sa kanil, diot’y tinatanong kung ano ka, kung ano ang maaari mong gawin, kung ano ang maitutulong mo at gaano kaepektibo kung ikaw ay magtratrabaho sa kalakalan.
Marami akong nakitang mga babaeng trabahador sa kanilang departamento at inisip ko na marahil ay napagtatagumpayan na ng mga kababaihan at pinapasailalim ng mga ito ang kalalakihan. Oo, sila’y epektibo sa kalakalan dahil sa sila’y babae at kung anong kayang gawin ng lalake sa kalakalan ay siya rin namang kayang gawin ng babae. Hindi na sukatan sa panahong ito kung lalaki ka o babae dahil ang importante sa asyanong kalakalan ay paano mo mapapayaman ang bahay-kalakal sa pamamagitan ng iyong ganda, kalidad ng iyong pagtratrabaho.Inisip ko ngayon kung ano ang maidudulot nila sa kanilang mga anak at asaw maging pamilya ng malaking porsyento sa bilang ng kababaihan na nagtratrabaho sa kalakalan. Nakita ko rin na maraming walang trabaho sa bansang ito kung saan ako lumaki at kung saan tinapak ko ang aking mga paa sa lupain na ito.
Nakita ko kung gaano kahirap ang kalakalan sa bansang ito na kahit ano pang hirap at pagod ang kaya mong tiisin, hindi lahat ng tao ay napagbibigyan sa kanilang mga kahilingan. May mga taong nais magkalakal sa ibang bansa na baka sa ganoong paraan ay makapamingwit sila ng malaking pera. May mga tao naman na kumakapit na lamang sa patalim at itinatago ang kanilang maitim na budhi sa dilim makakain at masustentuhan lamang ang kanilang sarili, ang kanilang mga anak at ang kanilang pamilya. Maraming natatagong misteryo sa kalakalang Asya, oo nga’t maraming naghihirap na tao at nais yumaman. Nais ko rin sanang ibahagi na sa panahoing ito, minsan ang tanging panlabas na anyo nga mga tao ay siyang nagiging batayan upang makapasok ka sa trabaho, kasalanan ito ng mga puno sa bahay-kalakal. Kanila nilang kinalilimutan ang mabababang tao. Ano na kaya ang magiging kapalaran ng mga kapwa ko pinoy sa bansang ito? Mayroon sanag isang puno para sa kanila at ipaglaban ang kanilang saloobin at magtayo ng sariling bahay-kalakal kung saan hindi magiging batayan ang panlabas na anyo datapwat ang kakayahan ng mga mamamayan ukol sa pang ekonomiya, pang agrikultura, pang edukasyon at iba pa ang siyangmagiging batayan. Ito’y tulong ko sa aking mga kapwa Pilipino na naghihinagpis sa hirap ng buhay at magkaroon ng kinabukasan ang kanilangf mga anak at magiging anak ng kanilang mga anak at sa suunod pang henerasyon sa bansang ito.
Mayroon ding mga taong may kabutihang loob, sila ang mga taong galing sa hirap na naranasan ang hampas at hagupit ng tadhana sa kanilang mga likod; ito’y naging pasanin sa kanila at nabuhat hanggang sa makamit nila ang tagumpay. Sila ang mga punong bahay-kalakal na ang nais nila ay tumulong sa kapwa na nais mag trabaho at makamtan ang ginhawa. Sila ang mga puno na pantay-pantay ang tingin sa kanilang mga kauring Pilipino at hindi napapasailalim sa maitim at madungis na kamay. Sila’y mabubuting tao na nais tumulong at payamanin ang ekonomiya sa pamamagitan ng sakripisyo, pagbuhos ng dugo at pawis.








