Aking minamahal
August 22, 2008
Aking minamahal
akda ni Wilfredo Bolbes


Oh ang alon na natatanaw ng araw,
Katulad ng ibon na nasa ibabaw
Na siya’y alaala sa aking labi,
Oh irog ko, huwag kang magpasintabi
Sabihin mo sa akin oh aking sinta
Ang iyong nais na giliw mong salita.
At bakit ang puso ko ay mangangamba
Sa rosas mong dala at lilim na wika?
Oh sa aking piling at sa mandirigma
Humalina sakin at ako’y dinala
Sa walang kawalan at puso’y Masaya
Batid ng puso ang tulad mong binata
(tula ng isang dalaga sa kanyang mahal na binata….)








