Sa mata ng mga tao
August 21, 2008Capter 22
Part 18
Pinagmasdan ko sila habang nakapalibot sa akin, ako’y nasa kalagitnaan ng mga tao at pinagmamasdan, ang aking mga paa, maging ang itsura at pananalita, maging ang ang malalim na pananaw sa mundong ito na kanilang nais tanawin at pinagtatawanan habang ako’y nakatingala sa kalangitan at pinagmamasdan ang mga ulap sa himpapawid. Ako’y hamak na uod sa mata ng mga tao at hindi nilalang at habangang tono na kanilang naririnig ay kaniya lamang nilang pinakikingan ng mainam, at may silbi habang nabubuhay; gaya ng prutas na duryan na may malalaking tinik at kulay putik; isang mabaho sa mga ilong ng mga tao na hindi nakakakilala ng tunay na kaanyuan ng isang tunay na prutas, isang masarap at malinamnam na prutas. Ang tanging nakakaalam ng mga bagay na ito ay siya kong pasasalamatan, oo, pasasalamatan ng buong puso na higit kaysa alin mang bagay na nakikita sa lupain na ito. Ang mabuhay sa bahagi na aking kinabubuhayan ay hindi biro at dapat na ibatay sa natural na buhay na kung saan ay nalalaman ko rin naman ang buhay at dinadanas ng mga tao, at ang mga tanong na paano, saan, alin, ano, kailan ay siya kong mga bagay na tinatanong sa aking isipan at katulad ng aking sinabi sa una ay ganito rin naman. Sa mata ng mga tao ay tila putik na nilalayuan, may maruming tubig at ang tubig ay buhay, may kahulugan at kahalagahan, ako’y tila isang bagay o kandilang natatabi sa isang sulok na puros alikabok at madalang amitin kung ang ilaw sa tahanan ay mapawi ay sila naman akong gagamitin upang pagsilbihan sila sa dilim. May bagay man silang hindi makita sa himpapawid ay akin namang sinasalaysay kung anong mayroon doon. Sa langit ay may mga ibong lumilipad na malaya, may mga ulap, may bituin at bukod dito ay wala na at sinomang sumalaysay pa at dumagdag ay lalabag sa batas niya. Katulad rin naman ng bagay na ito ay hindi kapansin-pansin sa mata ng mga tao, sila’y tama ako’y mali. Alin man sa bagay na ito ay nararapat pansinin, maging ang malaki o ang maliit, alin mang bagay sa mundong ito ay nararapat pakinggan maging ito’y maliit o malaki. May tula akong nais banggitin ngunit akin na silang binanggit sa una pa, sila’y galing sa aking kaibuturan at hindi nagmula sa mga istranghero at kung nais man nilang malaman ang mga tulang iyon ay nararapat nilang lakbayin ang aking kaisipan at malawak na pananaw na patungkol sa mga bagay na aking sinusulat. Sa aking eskwelahan sa tapat ng morayta, binabaybay ko ang loob nito habang nakayukong naglalakad, ang aking isipan ay malinis ngunit hindi ko maiwasang magsalita sa aking kaisipan o kamalayan ang mga bagay na nakikita ko sa lugar na iyon. Maraming tao, may kani-kaniyang ginagawa, mag nagsusulat, mag nagbibiruan, may nagkwekwentuhan, may mga nag-pipikunan, may mga mayayaman, may mga mapagpaimbabaw, mga palalo, may mga usaping ukol sa laman o pita ng bawat kasarian, mga mababait, tahimik at maingay, mapapayat at matataba, mabusisi at gutom, may busog at kumakain, may tumatambay, mga naghihintayan, ginagamit ang mga kakaibang bagay ukol sa pangteknolohiya, mga nagpapahinga at naglalaro sa ibat-ibang dako at sila’y paroot-parito, may dapit sumapit na madalas mayroon ang mga babaeng ito at iba pa. Ang lahat ng ito ay nalaman ko na. Sa mata ng mga tao ay tahimik ako, isang mapagpakumbabang tao, isang maliit na tao ngunit malalim ang pananaw, tila walang kamalayan ukol sa katalinuhan, maabilidad ngunit matapang na tao at may paninindigang pinanghahawakan. Bata pa lamang ako ay nais ko sanang pumasok sa paaralan ng militar ngunit ang sabi ng aking ama ay nararapat akong maging boksingero ngunit dahil sa alam ko ang nais ko habang bata lamang ako ay ninais kong tulungan ang aking ama na umahon sa kahirapan. Ako’y isang pintor ng silangan, aking ipinipinta ang mga bagay na aking nakikita at naiisip at anumang dumapo sa aking damdamin ay siya namang sinasalaysay ng mga pintura ko. Ang pintura ay hindi lamang isa ngunit maaari mo namang ihalo sa ibang kulay pa na gaya naman ng buhay ng tao na kahit anu mang buhay ay mayroon ka ay maaari mong baguhin ito at iyon ay kung nais mong iapabatid sa iyong sarili na gaya ng pagpipinta ay naisusulat o nalilikha mo ang iyong sariling buhay.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.







