Ang aking tula sa aking unang pag-ibig
July 23, 2008
Part 2
Chapter 16
At nang maalala ko ang aking nakalipas na pag-ibig, ang aking unang pag-ibig, naalala ko ang mga nakaraang nakalipas na ako’y nasa disenteng pananamit, nang siya’y aking makilala, naglalagablab na damdamin, ang mga oras ay hindi sinasayang maging sa umaga, sa tanghali, sa hapon hanggang sa sumapit ang kabilugan at liwanag ng buwan. Naalala ko rin na sa bawat dagok ng masamang kapalaran, sa kapuotan man o kabaitan, binatid ko na sa bawat galit o puot sa damdamin ay lilipas din. Naalala ko na sa aking unang pag-ibig ay may dala-dala akong isang rosas, isang matinik at mapulang rosas na isinasaysay ang batid ng aking pag-ibig, ang mga bagay na hadlang sa amin na siyang binabasag ko, ang tamang pananaw ang magsabi ng salitang “mahal kita” na tila ginto sa aking diwa at sa huli ay tinula ko ang tulang ito….
Gaano nga ba katimbang ang magsabi ng, “Mahal Kita”
Ako’y gagamit ng aking maitim na kabayo
at hahamak sa mga kailaliman ng mga matataas na ulap.
Ito’y bunga ng aking pusong nasasadlak
sa iisang bunga na maaari kong pitasin at malasap.
Sa giliw kong ito o tila ang puso’y sumigla
ako nga ba’y isang bulag na may mata
o aking hinahanaphanap ang di nakikita?
Tila isang lathalain na nasusulat sa dingding na di’ mabasa
na siyang nais mabigkas ang hindi mabigkas.
Anong makatutulong sa akin na ito’y masabi?
Malibang ako’y gumawa ng hagdan upang masungkit ang bungang di pa umiibig.
Ako’y maparirito sa iyo na waring magnanakaw
sa kaibuturan ng iyong mapula sa pagdungaw.
Sa umaga’y ikaw nga at sa gabi ako’y ibong kumakanta.
Hindi pa naparirito ang aking kalasingan
kaya’t pagsisikapang ikaw ay mapangiti.
Libutin man ng aking kaalaman ang ikaw
na di mapaparang ng ninuman sa mundong ibabaw.
Kauhawan ko sa malalim na bugtong at sa akin ay may bumubulong.
Umuugong ang lupang may yapak mong malabong
at samantala’y ikaw na kasama pa ay napagsamantalahan.
O anong lihim mayroon ang isang tulad na salita?
Walang katulad o kapares man kahit hanapin ay di makita
sapagkat hindi nasusulat na maaaring uliting ilathala
ang malalim na salitang nais sabihin at matalinghaga.
Ilihim ko man, may tumutulak sa akin ay ako nga
na siyang makapagsasabi sa lihim ay ikaw nga.
Sa matatayog na alapaap o ulap ay maisumpang mahal kita.
Previous Comments
bakit nga ba umiibig ang isang tao? bakit nauuhaw ang tao, bakit kailangang kumain ang tao, kailangang din na manamit sa sarili. Gayun din ang pag-ibig, may dahilan datapwat kailangang maisakatuparan ng tao na siya’y may kailangan din sa kanyang damdamin. ito ay ang pag-ibig
Posted by belisima at October 13, 2008, 6:32 pmwow,,,,, how nice naman yang ginawang mong tula….lhubz you…..
Posted by jhoyz_05 at October 24, 2008, 3:17 pmThank you miss Jhoyz_05 for giving a compliment. Hope to see you again here in my website
Posted by belisima at October 24, 2008, 4:23 pmtwo thumbs up>>>>>>>
grabe ang ganda ng tula>>>>>
ang sarap iflagerate>>>>(joke)
as in……
grabe……
inlove nako…..
mukhang may inspirasyon po ikaw…..
Posted by jan anthony at November 2, 2008, 10:19 pmano po gagawin mo pag may nagkagusto sayo, pero wala kang gusto sa kanya, pero nang tumagal napalayo siya sa iyo, at ikaw naman ang nagkagusto sa kanya?
pls…
Posted by jan anthony at November 2, 2008, 10:26 pmmaaaring magkagusto ako sa tao sa paraang natanto ko na siya’y mabuting tao habang nagpapakipot pa ako at bagaman ganito ang sitwasyon, kung siya naman ang lumayo, sa maka isang daang paraan, ako’y maghahanap ng isang paraan para siya’y aking pabalikin sa aking piling. Ikalawa, maaaring magustuhan ko siya dahil sa siya’y aking napusuan at hahanap ako ng maka isang daang paraan para siya’y pabalikin sa aking piling. Pupuntahan ko siya at kakausapin, ngunit hindi ko sasabihing gusto ko siya bagkus ipapakita ko sa kanyang harapan na siya’y aking napupusuan.
Posted by belisima at November 2, 2008, 11:18 pmmukhang marami nang nakabasa ng tulang ito.maraming salamat.tila dumarami ang bumabasa.
Posted by belisima at January 25, 2009, 9:36 pmu can contact me at sweet_weird16@yahoo.ca, it’s my ym.
Posted by belisima at January 25, 2009, 9:41 pmpag na inlove kah kay saya ng feeling
pag niluko kay hirap tanggapin
pagnasaktan kay sakit sah damdamin
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.








bakit tayo imiibig?
Posted by dona ann dela cruz at October 13, 2008, 12:39 pm