Hindi Mapakali
July 20, 2008Part 2
Chapter 13
Natapos ko na ang aking mga pagtitiis sa mga nakaraang hapon, umaga, gabi ng nakalipas na taon at ngayon naman ay aking masisilayan ang panahon ng tag-ulan at tag lamig. Aking hinahanap hanap ang mga bagay na makapag bibigay aliw sa akin, sa aking piling; oo pati narin ang mainit na pakiramdam ay akin din namang hinahanap hanap. Narito, isang lalaking nag ngangalang buchoy ang hindi mapakali sa panahon ng tag-lamig at tag-ulan, nais ng kanyang mga paa na lumakad lakad sa daan, sa malalayong lugar kung saan hindi sya matatanaw ng kanyang magulang, ng kanyang mga kaibigan, ng kanyang pagkabalisa, kung saan sinisilay silay nya ang bawat sandali ng kanyang kabataan at kanyang nililibang ang bawat oras na sa kanya’y dumating. Pumaparito’t paroon siya sa bawat gabi, oo ang kanyang mga mata’y nakakarating sa dakong kanan maging sa dakong kaliwa, maging sa dakong harapan at likuran. Isang leon na nais sumila ng laman sa gabi, may mga matatalim na mata, may liwanag ang kanyang mga mata sa dilim. Isang mapusok na nilalang sa gabi, isang tahimik sa araw, siya na nagnanais na tumikim ng isang babae, o marahil ay dalawa nang sa gayun ay makontento at hindi mapakali sa panahon ng tag-lamig. Ang mga kaba sa kanyang dibdib ay iba sa kaba ng nakalipas at sa panahong iyon ay mananatiling mapusok sa gabi, sa laman, isang maninilang leon hanggang sa ang panahon niya’y hindi natatapos.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment









