Ang papalapit na buwan ng Hunyo
July 20, 2008
Part 2
Chapter 14
Isang panibagong buwan nanaman ang paparating, buwan ng hunyo at ang lahat ay magiging ibang muli, ang mga kabataan ay magiging abala sa kanilang pag-aaral at habang ang iba naman ay magiging abala sa takdang aralin. Buwan ng hunyo kung saan paparoo’t parito ang mga tao, sila’y walang inaaksayang oras, sila’y nasa kanilang tungkulin. Ito ang panahon ng pagiging matino sa eskwela, pagiging masunurin kay maestro, masusi ko rin naman pinag-aaralan ang mga bagay-bagay sa loob at labas ng kwarto at anumang ituro ni maestro ay aking itatanim sa isipan ko. Handa na akong harapin ang mga panibagong pagsusulit, ang mga panibagong aralin, ang mga panibagong kaibigan at magiging kaklase sa eskwela. Isang panibagong yugto ng aking buhay at marahil ay magiging abala rin ako sa aking mga aralin at ayaw ko rin namang mag aksaya ng panahon hanggang sa ang trabaho ko ay hindi pa natatapos, ang lahat ng aking mga trabaho ay hindi maaaring maabala hanggang sa ang aking layunin ay hindi ko pa naaabot. Naalala ko noon noong ako’y nasa mataas na paaralan, aking binubunot ang sahig, kanila akong tinatawanan, inaalimura palibhasa ay ganun na lamang ang aking pisikal na katayuan sa buhay, ang polo ko’y manipis at naninilaw na. Hindi ko din alintana ang bawat bulong ng mga kaklase ko sa loob ng kwarto, akin lamang ginagawa ang trabaho, ang utos, ang layunin at sa ganitong paraan ay natuto akong makipag laban at humarap sa anumang pagsubok sa buhay. Ang lahat ng aking pagtitiis sa mga gayung bagay ay resulta ng pagiging matiyaga, mapagdasal ng pangangailanang pang espiritual, determinasyon at disiplina. Ito ang naging pundasyon ng aking tapang upang mailathala ko ang mga bagay-bagay na literal at di literal. Naalala ko rin naman nang ako’y nasa elementarya pa lamang, ako’y isang aktibong mag-aaral at may katamtamang dunong, ako’y maabilidad at naging pinuno ng isang samahan sa eskwelang aking pinasukan. Palibhasa’y tahimik ako sa kwarto, masayahin at palakaibigan, walang iniisip na masama o mangyayaring masama man ay kanila naman akong niyuyurakan sa loob at labas ng kwarto at oo lumipas ang ilang araw ng aking pamamalagi sa eskwela ay may nagtangkang suntukin at bugbugin ako, palibhasa’y malaking tao at siga sa loob ng kwarto. Nangyari ngang nilabanan ko ng manu-manong suntukan ang batang lalaki, isang suntok ang biglang sumugod sa akin ngunit ako’y nakailag sa suntok na iyon at palibhasa’y mabilis at malakas akong sumuntok ay binigyan ko siya ng isang pitik na suntok ngunit hindi siya natinag hanggang sa gumanti muli ang lalaki at swerte naman akong nakailag sa suntok niya at palibhasa’y mahina siya ay ako naman ang gumanti hanggang sa siya ay nanahimik. Ipinaglaban ko rin ng suntukan ang aking kaibigan sa labas ng eskwela, isang maliksing bata, matapang at tahimik ngunit may pagkahambog. ang aking kaibigan na si dandan ay isang maitim na lalaki, isang tahimik at mabait na bata, isang matalino at masunurin sa magulang, ang kanyang ina ay isang guro at kaibigan ng aking ina. Lumipas ang ilang oras hanggang sa sumapit ang oras ng uwian sa klase, palibhasa’y bata ay bumili ng laruan na kanyang matagal ng nais bilhin at laruin at narito na nasalubong namin ang kanyang kaklase ay pinilit na inagaw sa kaibigan ko ang laruan at palibhasa’y iyakin ang aking kaibigan at natakot sya na baka siya ay bugbugin ng isang maliksing bata. Di naglaon ay pinagtanggol ko ang aking kaibigan at kinuha ko ang laruan at ibinigay sa aking matalik at kaisa-isang kaibigan na si dandan. Sinunggaban ako ang suntok sa mukha hanggang sa ako’y muntik na matumba at agad din naman akong gumanti ng suntok ngunit hindi pa doon natapos ang kwento ng aming away, nagsakitan kami hanggang sa nakita ko ang stansa na masakal ang kanyang leeg sa pamamagitan ng aking kaliwang braso paikot sa kanyang ulo at di naglaon ay ginulpi ko siya hanggang sa inawat ako ng kaibigan ko ngunit hindi ako nagpigil sa paggulpi ko sa kanya sapagkat siya’y masamang bata. Dinampot kami ng may kapangyarihan ay dinala sa loob ng isang opisina kung saan dinadala ang masasamang tao, kung saan dinudulog ang bawat reklamo. Tinanong ako ng maykapangyarihan at nagpaliwanag sa harapan niya; aking sinabi na ipinagtanggol ko ang aking kaibigan dahil kinuha niya ang laruan nito sa kanya.
Previous Comments
nice one!!!!!!!!!!!!
Posted by newbie at July 9, 2009, 10:50 amWilfreo nice story
Posted by game at July 9, 2009, 10:52 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.








ang ganda hg storya
Posted by newbie at July 9, 2009, 10:49 am