Ang huling taon ko sa Kolehiyo
July 20, 2008
Part 2
Chaper 15
At mula dito, ay masasabi kong marami akong nakilalang mga tao ngunit lumilipas ang panahon, isang linggo o dalawa o tatlo o apat; dahil dito ay hindi ko sila nakikilala sa paglipas ng oras. Lumipas ang buwan hanggang sa nakilala ko si Melisa beinte anyos ang edad, isang maputing babae at marahil ay mas mataas kay sa akin, siya’y nananatili sa kanyang magulang at kapatid sa bansang
Ang papalapit na buwan ng Hunyo
Part 2
Chapter 14
Isang panibagong buwan nanaman ang paparating, buwan ng hunyo at ang lahat ay magiging ibang muli, ang mga kabataan ay magiging abala sa kanilang pag-aaral at habang ang iba naman ay magiging abala sa takdang aralin. Buwan ng hunyo kung saan paparoo’t parito ang mga tao, sila’y walang inaaksayang oras, sila’y nasa kanilang tungkulin. Ito ang panahon ng pagiging matino sa eskwela, pagiging masunurin kay maestro, masusi ko rin naman pinag-aaralan ang mga bagay-bagay sa loob at labas ng kwarto at anumang ituro ni maestro ay aking itatanim sa isipan ko. Handa na akong harapin ang mga panibagong pagsusulit, ang mga panibagong aralin, ang mga panibagong kaibigan at magiging kaklase sa eskwela. Isang panibagong yugto ng aking buhay at marahil ay magiging abala rin ako sa aking mga aralin at ayaw ko rin namang mag aksaya ng panahon hanggang sa ang trabaho ko ay hindi pa natatapos, ang lahat ng aking mga trabaho ay hindi maaaring maabala hanggang sa ang aking layunin ay hindi ko pa naaabot. Naalala ko noon noong ako’y nasa mataas na paaralan, aking binubunot ang sahig, kanila akong tinatawanan, inaalimura palibhasa ay ganun na lamang ang aking pisikal na katayuan sa buhay, ang polo ko’y manipis at naninilaw na. Hindi ko din alintana ang bawat bulong ng mga kaklase ko sa loob ng kwarto, akin lamang ginagawa ang trabaho, ang utos, ang layunin at sa ganitong paraan ay natuto akong makipag laban at humarap sa anumang pagsubok sa buhay. Ang lahat ng aking pagtitiis sa mga gayung bagay ay resulta ng pagiging matiyaga, mapagdasal ng pangangailanang pang espiritual, determinasyon at disiplina. Ito ang naging pundasyon ng aking tapang upang mailathala ko ang mga bagay-bagay na literal at di literal. Naalala ko rin naman nang ako’y nasa elementarya pa lamang, ako’y isang aktibong mag-aaral at may katamtamang dunong, ako’y maabilidad at naging pinuno ng isang samahan sa eskwelang aking pinasukan. Palibhasa’y tahimik ako sa kwarto, masayahin at palakaibigan, walang iniisip na masama o mangyayaring masama man ay kanila naman akong niyuyurakan sa loob at labas ng kwarto at oo lumipas ang ilang araw ng aking pamamalagi sa eskwela ay may nagtangkang suntukin at bugbugin ako, palibhasa’y malaking tao at siga sa loob ng kwarto. Nangyari ngang nilabanan ko ng manu-manong suntukan ang batang lalaki, isang suntok ang biglang sumugod sa akin ngunit ako’y nakailag sa suntok na iyon at palibhasa’y mabilis at malakas akong sumuntok ay binigyan ko siya ng isang pitik na suntok ngunit hindi siya natinag hanggang sa gumanti muli ang lalaki at swerte naman akong nakailag sa suntok niya at palibhasa’y mahina siya ay ako naman ang gumanti hanggang sa siya ay nanahimik. Ipinaglaban ko rin ng suntukan ang aking kaibigan sa labas ng eskwela, isang maliksing bata, matapang at tahimik ngunit may pagkahambog. ang aking kaibigan na si dandan ay isang maitim na lalaki, isang tahimik at mabait na bata, isang matalino at masunurin sa magulang, ang kanyang ina ay isang guro at kaibigan ng aking ina. Lumipas ang ilang oras hanggang sa sumapit ang oras ng uwian sa klase, palibhasa’y bata ay bumili ng laruan na kanyang matagal ng nais bilhin at laruin at narito na nasalubong namin ang kanyang kaklase ay pinilit na inagaw sa kaibigan ko ang laruan at palibhasa’y iyakin ang aking kaibigan at natakot sya na baka siya ay bugbugin ng isang maliksing bata. Di naglaon ay pinagtanggol ko ang aking kaibigan at kinuha ko ang laruan at ibinigay sa aking matalik at kaisa-isang kaibigan na si dandan. Sinunggaban ako ang suntok sa mukha hanggang sa ako’y muntik na matumba at agad din naman akong gumanti ng suntok ngunit hindi pa doon natapos ang kwento ng aming away, nagsakitan kami hanggang sa nakita ko ang stansa na masakal ang kanyang leeg sa pamamagitan ng aking kaliwang braso paikot sa kanyang ulo at di naglaon ay ginulpi ko siya hanggang sa inawat ako ng kaibigan ko ngunit hindi ako nagpigil sa paggulpi ko sa kanya sapagkat siya’y masamang bata. Dinampot kami ng may kapangyarihan ay dinala sa loob ng isang opisina kung saan dinadala ang masasamang tao, kung saan dinudulog ang bawat reklamo. Tinanong ako ng maykapangyarihan at nagpaliwanag sa harapan niya; aking sinabi na ipinagtanggol ko ang aking kaibigan dahil kinuha niya ang laruan nito sa kanya.
Hindi Mapakali
Part 2
Chapter 13
Natapos ko na ang aking mga pagtitiis sa mga nakaraang hapon, umaga, gabi ng nakalipas na taon at ngayon naman ay aking masisilayan ang panahon ng tag-ulan at tag lamig. Aking hinahanap hanap ang mga bagay na makapag bibigay aliw sa akin, sa aking piling; oo pati narin ang mainit na pakiramdam ay akin din namang hinahanap hanap. Narito, isang lalaking nag ngangalang buchoy ang hindi mapakali sa panahon ng tag-lamig at tag-ulan, nais ng kanyang mga paa na lumakad lakad sa daan, sa malalayong lugar kung saan hindi sya matatanaw ng kanyang magulang, ng kanyang mga kaibigan, ng kanyang pagkabalisa, kung saan sinisilay silay nya ang bawat sandali ng kanyang kabataan at kanyang nililibang ang bawat oras na sa kanya’y dumating. Pumaparito’t paroon siya sa bawat gabi, oo ang kanyang mga mata’y nakakarating sa dakong kanan maging sa dakong kaliwa, maging sa dakong harapan at likuran. Isang leon na nais sumila ng laman sa gabi, may mga matatalim na mata, may liwanag ang kanyang mga mata sa dilim. Isang mapusok na nilalang sa gabi, isang tahimik sa araw, siya na nagnanais na tumikim ng isang babae, o marahil ay dalawa nang sa gayun ay makontento at hindi mapakali sa panahon ng tag-lamig. Ang mga kaba sa kanyang dibdib ay iba sa kaba ng nakalipas at sa panahong iyon ay mananatiling mapusok sa gabi, sa laman, isang maninilang leon hanggang sa ang panahon niya’y hindi natatapos.
Ako at ang Matandang lalaki sa Tabing dagat
Part 2
Chapter 12
Sa kasalukuyang panahon, isang binibini ang aking nagustuhan kahit sa sandali ng pamamalagi sa lugar, binihag ako ng kanyang kasimplehan, may mga hiyas sa kanyang katawan, may magandang korte ng katawan, isang pilibusterong binibini, sa kanyang mapupulang labi, ang kanyang bilugang mga mata, ang kaibig-ibig na kilos. Kinabukasan ay nabanaag ko, isang labong ng bulaklak na dala ng binata, tinitigan ko lamang sila at hindi kumibo. Hindi ako kilala ng dalagang iyon, isa syang magandang dilag sa aking paningin at tangi kong inaalala kung ano ang pakiramdam ng pagkakaroon ng isang nililigawang irog o magkaroon ng isang kasintahan. Tumitingin lamang ako sa paligid, bawat lakad at hakbang nila ay aking pinagmamasdan, sa isang tahimik na lugar, nakaupo ako sa tabi at hinihintay ko ang paglabas ng binibini sa kainan kasama ng kanyang binata. Kinaiinggitan ko ang lalaking iyon, gusto ko syang suntukin at itulak palayo o ihagis sa dagat, batukan at kunin ang kamay ng dalaga. Ipinakikita naman ng aking kilos na nahihiya akong tumingin sa mga mata ng dalaga. Akin ngang sinabi, “sana ay pansinin nya ako kahit man lang bigyan ako ng isang sulyap ay sya nang ikatutuwa ng aking damdamin”. Hinintay ko ang bawat sandali atdi naglaon ay pinagbigyan ako ng tadhana sa aking kaliit-liitang hiling. Sa oras ding yaon ay tumingin ako sa malayo, tangi kong tinitingnan ang sinag ng araw sa banig ng dagat sa katahimikan nito, ngunit sa pagkakatagal na pagtitig sa paglubog ng araw kasabay ang walang hudyat na pag-papaalam ng dalaga, walang iniwang ngiti, walang iniwan ng bakas ng pagsulyap, walang iniwang bango ng kanyang katawan, wala. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin sa tabing dagat, sa aking pananatili, o kung akin bang lilisanin ang lugar sapagkat wala na ang dalaga sa lugar o mananatiling maghihintay ng panibagong nginti at sulyap. At sa paglipas ng oras ay unti-unti rin namang dumarami ang mga tao sa lugar, palubog na ang araw at narito, isang matandang lalaki na may dala-dalang pamingwitat mga pain. Pumili sya ng lugar at naupo sa buhanginan malapit sa aking kinauupoan. Kanyang inihanda ang pamingwit at nilagyan ng pain sa kawit, kanyang inihagis ito sa malayo at naghintay ng ilang sandali. Nagmuni ako, nag bakasakali, nag hintay ako, at heto hinihila ng isda ang kawit at pagdakay tumayo ang matandan at nang hinila nito ang kanyang pain ay wala akong nakitang isda ni maliit na isda. Ikalawang pagkakataong ay nilagyan nya ito ng pain sa kawit, inihanda at inihagis sa malayo, umupo ang matanda at tumingin sa malayo, tanging ako lamang ang nanonood sa matnda kung paano pagtiisan ang paghihintay sa paghuli ng isda gait ang katutubong pamingwit na gawa sa isang kawayan at tali. Muling may isdang humila sa pamingwit at pagdakay tumayo ang matanda at unti-unting hinila ang pamingwit, walang reaksyon ang mukha ng matandang lalaki. Tanging nagpapatatag ng kanyang pagtitiwala ay ang kaalamang hindi maaaring mawalang ang mga isda sa dagat. Sa ikatlong pagkakataon ay nilagyan na muli ng pain ang kanyang pamingwit at inihagis sa malayo, siya’y umupo habang lumubog na ang araw. Sa pagkakataon na iyon ay hindi nawawalan ng pagtitiis ang matanda. Swerte ang matandang lalaki kung isa man lang na isda ang mahuli ng kanyang pamingwit umabot ng ilang oras ang paghihintay at pagtitiis ng matandang lalaki.
Pitaka
Part 2
Chapter 11
Isang magandang araw ang sa akin ay bumati, isang sinag ng araw, mga alapaap na tahimik, may katahimikan, may kalungkutan. Mga nagmumugtong mga mata na naghihintay sa mga luhang lalabas sa kanyang mga mata. Ano ang kanyang iniisip at ano ang kanyang nais iparating? tanging imahinasyon at pagmumuni-muni lamang ang kanyang katabi sa araw-araw at hindi ito magiging hadlang upang siya’y pabagsakin maging ito ay mahirap man o mabigat na pasanin sa kanyang buhay, isang inspirasyon ang kanyang dinadala,hindi niya pinananatiliang bumagsak ang kanyang mga tuhod buhat ng kahirapan, oo; ang kahirapan ang sa kanya’y naghimok upang subukin ang lahat ng hindi nalalaman ng kanyang sarili.
Sinabi ko sa aking sarili; nais ko sanang tumugtog ng magandang kanta upang mabawasan lamang kahit kaunti ang aking nadaramang sakit, at nais ko ring maglakbay patungo sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas pati narin sa ibang bansa, masilayan ko lamang ang aking pagkabinata ngunit sa kabila ng mga ito ay isang malunkot na mukha ang naipapakita sa tuwing nag-iisa.
Pinagtatawanan nila ako, hinihimok sa mali at hindi ko ito pinapansin, kinakantyawan ng karamihan sa mga mapuputi at mayayaman sa iba’t-ibang salin ng lahi kung saan sila ay nagmula. Tinatanggap ko ang kanilang ganti datapwat hindi ko sila gagantihan ng anumang masama. At sa araw din yaon ay iniisip ko kung papaano ako magiging matatag na pader na kahit ilang bagyo man ang dumaan ay nakatindig parin ako, iniisip ko rin kung papaano ako magiging matatag na pader na kahit ilang lindol man ang dumaan ay nakatayo parin ako sa lupa. Hinihintay ko kung kailan at saan ako makakarating sa pamamagitan niya na nagbigay sa akin ng buhay mula sa pasimula ng aking buhay, ito’y kaliit-liitan.
Parati kong iniisip kung pinagkakaitan ako ng tadhana, walang kasintahan, walang pera, walang kapanalig, walang kausap, walang kasiyahan, walang asawa, ako’y nag-iisa at walang kasama subalit may pananalig at siya ang aking parating kapanalig sa araw man o sa gabi at gayun pa man ay may malaki akong pasasalamat sa kanya mula sa lupang aking kinatatayuan patungong langit. Pinakikisamahan ako ng mga tao dahil sa nakikita nilang kalungkutan at pag-iisa sa aking mga mata, tanging mata ko lamang ang ginagamit ko upang makita ko ang mga masasayang bagay sa paligid ko. Masaya ang nararamdaman ko sa tuwing marami akong nakikitang mga kakaibang bagay tulad ng mga taong nagsasaya sa hapon at umaga pati narin sa gabi, umuupo lang ako sa tabi at tinititigan sila at kahit ako’y nagugutom at umuutang sa mga taong maaari kong lapitan ay ginagawa ko maitawid ko lamang ang sarili ko sa kagipitan at sa tag-gutom dahil sa ito lamang ang nakikita kong paraan nang ako ay nasa kolehiyo.
At sa kasalukuyang panahon, isang binibini ang aking nagustuhan kahit sa sandali ng pamamalagi sa lugar, binihag ako ng kanyang kasimplehan, may mga hiyas sa kanyang katawan, ang hubog ng kanyang katawan, isang pilibusterong binibini, sa kanyang mapupulang labi, ang kanyang bilugang mga mata, ang kaibig-ibig na kilos. Kinabukasan ay nabanaag ko, isang labong ng bulaklak na dala ng binata, tinitigan ko lamang sila at hindi kumibo.
Hindi ako kilala ng dalagang iyon, isa syang magandang dilag sa aking paningin at tangi kong inaalala kung ano ang pakiramdam ng pagkakaroon ng isang nililigawang irog o magkaroon ng isang kasintahan. Tumitingin lamang ako sa paligid, bawat lakad at hakbang nila ay aking pinagmamasdan, sa isang tahimik na lugar, nakaupo ako sa tabi at hinihintay ko ang paglabas ng binibini sa kainan kasama ng kanyang binata.
Kinaiinggitan ko ang lalaking iyon, tunay ngang may mga mata ang tadhana ng buhay. Ipinakikita naman ng aking kilos na nahihiya akong tumingin sa mga mata ng dalaga. Akin ngang sinabi, “sana ay pansinin nya ako kahit man lang bigyan ako ng isang sulyap ay sya nang ikatutuwa ng aking damdamin”. Hinintay ko ang bawat sandali at di naglaon ay pinagbigyan ako ng tadhana sa aking kaliit-liitang hiling.
Sa oras ding yaon ay tumingin ako sa malayo, tangi kong tinitingnan ang sinag ng araw sa banig ng dagat sa katahimikan nito, ngunit sa pagkakatagal na pagtitig sa paglubog ng araw kasabay ang walang hudyat na pag-papaalam ng dalaga, walang iniwang ngiti, walang iniwan ng bakas ng pagsulyap, walang iniwang bango ng kanyang katawan, wala. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin sa tabing dagat, sa aking pananatili, o kung akin bang lilisanin ang lugar sapagkat wala na ang dalaga sa lugar o mananatiling maghihintay ng panibagong nginti at sulyap at ang gabing ito ay malungkot.
Nilisan ko na ang lugar na iyon at bumalik kinabukasan at sa paglipas ng oras ay unti-unti rin namang dumarami ang mga tao sa lugar, palubog na ang araw at narito; isang matandang lalaki na may dala-dalang pamingwit at mga pain. Pumili sya ng lugar at naupo sa buhanginan malapit sa aking kinauupoan. Kanyang inihanda ang pamingwit at nilagyan ng pain sa kawit, kanyang inihagis ito sa malayo at naghintay ng ilang sandali.
Nagmuni ako, nag bakasakali, nag hintay ako, at heto hinihila ng isda ang kawit at pagdakay tumayo ang matandan at nang hinila nito ang kanyang pain ay wala akong nakitang isda ni maliit na isda; wala. Ikalawang pagkakataong ay nilagyan nya ito ng pain sa kawit, inihanda at inihagis sa malayo, umupo ang matanda at tumingin sa malayo, tanging ako lamang ang nanonood sa matanda kung paano pagtiisan ang paghihintay sa paghuli ng isda gait ang katutubong pamingwit na gawa sa isang kawayan at tali.
Muling may isdang humila sa pamingwit at pagdakay tumayo ang matanda at unti-unting hinila ang pamingwit, walang reaksyon ang mukha ng matandang lalaki. Tanging nagpapatatag ng kanyang pagtitiwala ay ang kaalamang hindi maaaring mawala ang mga isda sa dagat. Sa ikatlong pagkakataon ay nilagyan na muli ng pain ang kanyang pamingwit at inihagis sa malayo, siya’y umupo habang lumubog na ang araw.
Sa pagkakataon na iyon ay hindi nawawalan ng pagtitiis ang matanda. Swerte ang matandang lalaki na kahit isa man lamang na isda ang mahuli ng kanyang pamingwit at umabot ng ilang oras ang paghihintay ay naisip ko ang bagay na ito; ang pagtitiis ng matandang lalaki na aking nakita’t nakasama sa hapon ding yaon ay katulad rin ng mga taong binabalutan ng pagtitiyaga’t pagkakaroon ng pag-asa.
itutuloy…….








