Home » Archives » July 2008

Ang aking tula sa aking unang pag-ibig

July 23, 2008

Part 2

Chapter 16

 

At nang maalala ko ang aking nakalipas na pag-ibig, ang aking unang pag-ibig, naalala ko ang mga nakaraang nakalipas na ako’y nasa disenteng pananamit, nang siya’y aking makilala, naglalagablab na damdamin, ang mga oras ay hindi sinasayang maging sa umaga,  sa tanghali, sa hapon hanggang sa sumapit ang kabilugan at liwanag ng buwan. Naalala ko rin na sa bawat dagok ng masamang kapalaran, sa kapuotan man o kabaitan, binatid ko na sa bawat galit o puot sa damdamin ay lilipas din. Naalala ko na sa aking unang pag-ibig ay may dala-dala akong isang rosas, isang matinik at mapulang rosas na isinasaysay ang batid ng aking pag-ibig, ang mga bagay na hadlang sa amin na siyang binabasag ko, ang tamang pananaw ang magsabi ng salitang “mahal kita” na tila ginto sa aking diwa at sa huli ay tinula ko ang tulang ito….

 

 

Gaano nga ba katimbang ang magsabi ng, “Mahal Kita”

 

Ako’y gagamit ng aking maitim na kabayo

at hahamak sa mga kailaliman ng mga matataas na ulap.

Ito’y bunga ng aking pusong nasasadlak

sa iisang bunga na maaari kong pitasin at malasap.

Sa giliw kong ito o tila ang puso’y sumigla

ako nga ba’y isang bulag na may mata

o aking hinahanaphanap ang di nakikita?

Tila isang lathalain na nasusulat sa dingding na di’ mabasa

na siyang nais mabigkas ang hindi mabigkas.

Anong makatutulong sa akin na ito’y masabi?

Malibang ako’y gumawa ng hagdan upang masungkit ang bungang di pa umiibig.

Ako’y maparirito sa iyo na waring magnanakaw

sa kaibuturan ng iyong mapula sa pagdungaw.

Sa umaga’y ikaw nga at sa gabi ako’y ibong kumakanta.

Hindi pa naparirito ang aking kalasingan

kaya’t pagsisikapang ikaw ay mapangiti.

Libutin man ng aking kaalaman ang ikaw

na di mapaparang ng ninuman sa mundong ibabaw.

Kauhawan ko sa malalim na bugtong at sa akin ay may bumubulong.

Umuugong ang lupang may yapak mong malabong

at samantala’y ikaw na kasama pa ay napagsamantalahan.

O anong lihim mayroon ang isang tulad na salita?

Walang katulad o kapares man kahit hanapin ay di makita

sapagkat hindi nasusulat na maaaring uliting ilathala

ang malalim na salitang nais sabihin at matalinghaga.

Ilihim ko man, may tumutulak sa akin ay ako nga

na siyang makapagsasabi sa lihim ay ikaw nga.

Sa matatayog na alapaap o ulap ay maisumpang mahal kita.

 

Posted by belisima at 12:36 am | permalink | comments[10]

Ang huling taon ko sa Kolehiyo

July 20, 2008

 

Part 2

Chaper 15

 

 

At mula dito, ay masasabi kong marami akong nakilalang mga tao ngunit lumilipas ang panahon, isang linggo o dalawa o tatlo o apat; dahil dito ay hindi ko sila nakikilala sa paglipas ng oras. Lumipas ang buwan hanggang sa nakilala ko si Melisa beinte anyos ang edad, isang maputing babae at marahil ay mas mataas kay sa akin, siya’y nananatili sa kanyang magulang at kapatid sa bansang Australia. Hiniling ko noon na magkaroon ako ng matinong kausap at hindi tumitingin sa pagkakaiba ng mga tao; maging mahirap man o mayaman, maging maputi o maitim, siya’y mapagkumbaba gaya ko, siya’y estudyante na gaya ko. Si Melisa ay aking kaibigan mula ng sa buwan ng Hunyo at paminsan minsan ay naguusap kami at binibigyan pansin ay mga bagay-bagay na hindi pa namin nalalaman gaya ng usapin ukol sa kani-kaniyang sarili at pag-ibig maging sa usaping pang pamilya ay hindi hadlang sa amin ang mag-usap at magkaroon ng mahusay at magandang pakikipagtalakayan sa isa’t-isa. Minsan na din naming napag-usapan ang ukol sa aming damdamin at dahil sa ako’y isang romantikong tao at mabait, may prinsipyo’t dignidad, may tapang at bukas ang isipan ay naitanong ko sa kanya kung ano ang hinahanap nya sa isang lalaki kapag siya’y ganap na indibidwal na at malaya. Sumagot sya ng ayon sa aking damdamin at gayu din sa hinahanap-hanap. Nais niyang magkaroon ng magandang buhay at pamilya, nais magka-anak sa iisang tao na kanyang iibiging tunay.Sinabi nya rin sa akin kung ano ang gusto nya at binanggit nyang gusto nyang yung taong mapagkumbaba, maibigin at may oras sa kanyang magiging asawa at naghahangad ng maayos na pangkabuhayan kahit na siya’y kayumanggi o maputi. Pinilit ko pang magtanong ngunit hindi ko nabanggit ang iba pa kung kaya’t minarapat kong tanungin sya ng halimbawa lamang at ang tanong ay ganito, “paano kung sabihin kong gusto kita at gusto morin ako ngunit hadlang ang lugar at layo ng landas natin sa isa’t-isa, kaya mo bang bigyan ng pansin ang akin damdamin?”, at ang sinagot nya ay ito, “hindi ko alam ngunit gusto hindi ibig sabihin nito na ayaw ko sayo at kung sakaling magkalapit lang tayo ng kinaroroonan ay walang imposible sating dalawa”. Natuwa ako sa kanyang sinserong sagot na bagaman ako’y hamak na maliit na tao ay may magandang puso ay hindi hadlang para iparating sa kanya ang aking munting nararamdaman sa maiksing panahon mula ng siya ay aking makilala at Nalulungkot dahil sa kalayuan ng landas namin sa isa’t-isa ay mahirap nga talaga ang humiling ng basta basta lamang, hiniling ko na makausap ang katulad nya at marahil ay wala ng susunod bukod pa rito. Naniniwala parin ako na malayo man ay kaya kong marating ang sing layo ng kanyang kinaroroonan. Madalas kaming naguusap sa kada uwi ko galing sa Unibersidad at hinahabol ko ang oras para lamang makipagusap sa kanya ay makita sya. Gusto ko siyang maging asawa. Minsan narin siyang nilamig ng kanilang panahon, binigyang pansin ko naman ito at upang masabi ko ang aking gustong iparamdam, nais ko siyang bigyan ng mahigpit na yakap at mainit na halik sa kanyang labi. Ang kanyang mga ngiti ay nagsisilbing hudyat na pagsaggot na oo. Ang bawat salita ay may kasabay na halik na gaya sa aking nakalipas na pag-ibig, oo sa aking nakalipas na pag-ibig. Gusto ko siya na maging ina ng aking magiging anak; marahil ay kambal sapagkat yun din ang nais niya. Ano kaya kung ako’y maging ganap na mayaman at kayang bilhin ang mga mamahaling bagay, kayang marating ang mga malalayo at kayang bisitahin ang nais puntahan, kaya nya kayang ibigay sa akin ang salitang “mahal”? Ang mga salitang binanggit ko ay tunay, ang bawat pangyayari, ang mga oras na aming pinagsaluhan bawat gabi ay kawiliwili. Ang aming pag-uusap ay magiging matagal habang sa kilala nya ako at kilala ko sya.

Posted by belisima at 10:59 am | permalink | Add comment

Ang papalapit na buwan ng Hunyo

 

Part 2

Chapter 14

 

Isang panibagong buwan nanaman ang paparating, buwan ng hunyo at ang lahat ay magiging ibang muli, ang mga kabataan ay magiging abala sa kanilang pag-aaral at habang ang iba naman ay magiging abala sa takdang aralin. Buwan ng hunyo kung saan paparoo’t parito ang mga tao, sila’y walang inaaksayang oras, sila’y nasa kanilang tungkulin. Ito ang panahon ng pagiging matino sa eskwela, pagiging masunurin kay maestro, masusi ko rin naman pinag-aaralan ang mga bagay-bagay sa loob at labas ng kwarto at anumang ituro ni maestro ay aking itatanim sa isipan ko. Handa na akong harapin ang mga panibagong pagsusulit, ang mga panibagong aralin, ang mga panibagong kaibigan at magiging kaklase sa eskwela. Isang panibagong yugto ng aking buhay at marahil ay magiging abala rin ako sa aking mga aralin at ayaw ko rin namang mag aksaya ng panahon hanggang sa ang trabaho ko ay hindi pa natatapos, ang lahat ng aking mga trabaho ay hindi maaaring maabala hanggang sa ang aking layunin ay hindi ko pa naaabot. Naalala ko noon noong ako’y nasa mataas na paaralan, aking binubunot ang sahig, kanila akong tinatawanan, inaalimura palibhasa ay ganun na lamang ang aking pisikal na katayuan sa buhay, ang polo ko’y manipis at naninilaw na. Hindi ko din alintana ang bawat bulong ng mga kaklase ko sa loob ng kwarto, akin lamang ginagawa ang trabaho, ang utos, ang layunin at sa ganitong paraan ay natuto akong makipag laban at humarap sa anumang pagsubok sa buhay. Ang lahat ng aking pagtitiis sa mga gayung bagay ay resulta ng pagiging matiyaga, mapagdasal ng pangangailanang pang espiritual, determinasyon at disiplina. Ito ang naging pundasyon ng aking tapang upang mailathala ko ang mga bagay-bagay na literal at di literal. Naalala ko rin naman nang ako’y nasa elementarya pa lamang, ako’y isang aktibong mag-aaral at may katamtamang dunong, ako’y maabilidad at naging pinuno ng isang samahan sa eskwelang aking pinasukan. Palibhasa’y tahimik ako sa kwarto, masayahin at palakaibigan, walang iniisip na masama o mangyayaring masama man ay kanila naman akong niyuyurakan sa loob at labas ng kwarto at oo lumipas ang ilang araw ng aking pamamalagi sa eskwela ay may nagtangkang suntukin at bugbugin ako, palibhasa’y malaking tao at siga sa loob ng kwarto. Nangyari ngang nilabanan ko ng manu-manong suntukan ang batang lalaki, isang suntok ang biglang sumugod sa akin ngunit ako’y nakailag sa suntok na iyon at palibhasa’y mabilis at malakas akong sumuntok ay binigyan ko siya ng isang pitik na suntok ngunit hindi siya natinag hanggang sa gumanti muli ang lalaki at swerte naman akong nakailag sa suntok niya at palibhasa’y mahina siya ay ako naman ang gumanti hanggang sa siya ay nanahimik. Ipinaglaban ko rin ng suntukan ang aking kaibigan sa labas ng eskwela, isang maliksing bata, matapang at tahimik ngunit may pagkahambog. ang aking kaibigan na si dandan ay isang maitim na lalaki, isang tahimik at mabait na bata, isang matalino at masunurin sa magulang, ang kanyang ina ay isang guro at kaibigan ng aking ina. Lumipas ang ilang oras hanggang sa sumapit ang oras ng uwian sa klase, palibhasa’y bata ay bumili ng laruan na kanyang matagal ng nais bilhin at laruin at narito na nasalubong namin ang kanyang kaklase ay pinilit na inagaw sa kaibigan ko ang laruan at palibhasa’y iyakin ang aking kaibigan at natakot sya na baka siya ay bugbugin ng isang maliksing bata. Di naglaon ay pinagtanggol ko ang aking kaibigan at kinuha ko ang laruan at ibinigay sa aking matalik at kaisa-isang kaibigan na si dandan. Sinunggaban ako ang suntok sa mukha hanggang sa ako’y muntik na matumba at agad din naman akong gumanti ng suntok ngunit hindi pa doon natapos ang kwento ng aming away, nagsakitan kami hanggang sa nakita ko ang stansa na masakal ang kanyang leeg sa pamamagitan ng aking kaliwang braso paikot sa kanyang ulo at di naglaon ay ginulpi ko siya hanggang sa inawat ako ng kaibigan ko ngunit hindi ako nagpigil sa paggulpi ko sa kanya sapagkat siya’y masamang bata. Dinampot kami ng may kapangyarihan ay dinala sa loob ng isang opisina kung saan dinadala ang masasamang tao, kung saan dinudulog ang bawat reklamo. Tinanong ako ng maykapangyarihan at nagpaliwanag sa harapan niya; aking sinabi na ipinagtanggol ko ang aking kaibigan dahil kinuha niya ang laruan nito sa kanya.

 

Posted by belisima at 10:53 am | permalink | comments[3]

Hindi Mapakali

 

Part 2

Chapter 13

Natapos ko na ang aking mga pagtitiis sa mga nakaraang hapon, umaga, gabi ng nakalipas na taon at ngayon naman ay aking masisilayan ang panahon ng tag-ulan at tag lamig. Aking hinahanap hanap ang mga bagay na makapag bibigay aliw sa akin, sa aking piling; oo pati narin ang mainit na pakiramdam ay akin din namang hinahanap hanap. Narito, isang lalaking nag ngangalang buchoy ang hindi mapakali sa panahon ng tag-lamig at tag-ulan, nais ng kanyang mga paa na lumakad lakad sa daan, sa malalayong lugar kung saan hindi sya matatanaw ng kanyang magulang, ng kanyang mga kaibigan, ng kanyang pagkabalisa, kung saan sinisilay silay nya ang bawat sandali ng kanyang kabataan at kanyang nililibang ang bawat oras na sa kanya’y dumating. Pumaparito’t paroon siya sa bawat gabi, oo ang kanyang mga mata’y nakakarating sa dakong kanan maging sa dakong kaliwa, maging sa dakong harapan at likuran. Isang leon na nais sumila ng laman sa gabi, may mga matatalim na mata, may liwanag ang kanyang mga mata sa dilim. Isang mapusok na nilalang sa gabi, isang tahimik sa araw, siya na nagnanais na tumikim ng isang babae, o marahil ay dalawa nang sa gayun ay makontento at hindi mapakali sa panahon ng tag-lamig. Ang mga kaba sa kanyang dibdib ay iba sa kaba ng nakalipas at sa panahong iyon ay mananatiling mapusok sa gabi, sa laman, isang maninilang leon hanggang sa ang panahon niya’y hindi natatapos.

Posted by belisima at 10:42 am | permalink | Add comment

Ako at ang Matandang lalaki sa Tabing dagat

Part 2

Chapter 12

 

Sa kasalukuyang panahon, isang binibini ang aking nagustuhan kahit sa sandali ng pamamalagi sa lugar, binihag ako ng kanyang kasimplehan, may mga hiyas sa kanyang katawan, may magandang korte ng katawan, isang pilibusterong binibini, sa kanyang mapupulang labi, ang kanyang bilugang mga mata, ang kaibig-ibig na kilos. Kinabukasan ay nabanaag ko, isang labong ng bulaklak na dala ng binata, tinitigan ko lamang sila at hindi kumibo. Hindi ako kilala ng dalagang iyon, isa syang magandang dilag sa aking paningin at tangi kong inaalala kung ano ang pakiramdam ng pagkakaroon ng isang nililigawang irog o magkaroon ng isang kasintahan. Tumitingin lamang ako sa paligid, bawat lakad at hakbang nila ay aking pinagmamasdan, sa isang tahimik na lugar, nakaupo ako sa tabi at hinihintay ko ang paglabas ng binibini sa kainan kasama ng kanyang binata. Kinaiinggitan ko ang lalaking iyon, gusto ko syang suntukin at itulak palayo o ihagis sa dagat, batukan at kunin ang kamay ng dalaga. Ipinakikita naman ng aking kilos na nahihiya akong tumingin sa mga mata ng dalaga. Akin ngang sinabi, “sana ay pansinin nya ako kahit man lang bigyan ako ng isang sulyap ay sya nang ikatutuwa ng aking damdamin”. Hinintay ko ang bawat sandali atdi naglaon ay pinagbigyan ako ng tadhana sa aking kaliit-liitang hiling. Sa oras ding yaon ay tumingin ako sa malayo, tangi kong tinitingnan ang sinag ng araw sa banig ng dagat sa katahimikan nito, ngunit sa pagkakatagal na pagtitig sa paglubog ng araw kasabay ang walang hudyat na pag-papaalam ng dalaga, walang iniwang ngiti, walang iniwan ng bakas ng pagsulyap, walang iniwang bango ng kanyang katawan, wala. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin sa tabing dagat, sa aking pananatili, o kung akin bang lilisanin ang lugar sapagkat wala na ang dalaga sa lugar o mananatiling maghihintay ng panibagong nginti at sulyap. At sa paglipas ng oras ay unti-unti rin namang dumarami ang mga tao sa lugar, palubog na ang araw at narito, isang matandang lalaki na may dala-dalang pamingwitat mga pain. Pumili sya ng lugar at naupo sa buhanginan malapit sa aking kinauupoan. Kanyang inihanda ang pamingwit at nilagyan ng pain sa kawit, kanyang inihagis ito sa malayo at naghintay ng ilang sandali. Nagmuni ako, nag bakasakali, nag hintay ako, at heto hinihila ng isda ang kawit at pagdakay tumayo ang matandan at nang hinila nito ang kanyang pain ay wala akong nakitang isda ni maliit na isda. Ikalawang pagkakataong ay nilagyan nya ito ng pain sa kawit, inihanda at inihagis sa malayo, umupo ang matanda at tumingin sa malayo, tanging ako lamang ang nanonood sa matnda kung paano pagtiisan ang paghihintay sa paghuli ng isda gait ang katutubong pamingwit na gawa sa isang kawayan at tali. Muling may isdang humila sa pamingwit at pagdakay tumayo ang matanda at unti-unting hinila ang pamingwit, walang reaksyon ang mukha ng matandang lalaki. Tanging nagpapatatag ng kanyang pagtitiwala ay ang kaalamang hindi maaaring mawalang ang mga isda sa dagat. Sa ikatlong pagkakataon ay nilagyan na muli ng pain ang kanyang pamingwit at inihagis sa malayo, siya’y umupo habang lumubog na ang araw. Sa pagkakataon na iyon ay hindi nawawalan ng pagtitiis ang matanda. Swerte ang matandang lalaki kung isa man lang na isda ang mahuli ng kanyang pamingwit umabot ng ilang oras ang paghihintay at pagtitiis ng matandang lalaki.

 

Posted by belisima at 10:41 am | permalink | Add comment

Pitaka

Part 2

Chapter 11

 

 

Isang magandang araw ang sa akin ay bumati, isang sinag ng araw, mga alapaap na tahimik, may katahimikan, may kalungkutan. Mga nagmumugtong mga mata na naghihintay sa mga luhang lalabas sa kanyang mga mata. Ano ang kanyang iniisip at ano ang kanyang nais iparating? tanging imahinasyon at pagmumuni-muni lamang ang kanyang katabi sa araw-araw at hindi ito magiging hadlang upang siya’y pabagsakin maging ito ay mahirap man o mabigat na pasanin sa kanyang buhay, isang inspirasyon ang kanyang dinadala,hindi niya pinananatiliang bumagsak ang kanyang mga tuhod buhat ng kahirapan, oo; ang kahirapan ang sa kanya’y naghimok upang subukin ang lahat ng hindi nalalaman ng kanyang sarili.

Sinabi ko sa aking sarili; nais ko sanang tumugtog ng magandang kanta upang mabawasan lamang kahit kaunti ang aking nadaramang sakit, at nais ko ring maglakbay patungo sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas pati narin sa ibang bansa, masilayan ko lamang ang aking pagkabinata ngunit sa kabila ng mga ito ay isang malunkot na mukha ang naipapakita sa tuwing nag-iisa.

Pinagtatawanan nila ako, hinihimok sa mali at hindi ko ito pinapansin, kinakantyawan ng karamihan sa mga mapuputi at mayayaman sa iba’t-ibang salin ng lahi kung saan sila ay nagmula. Tinatanggap ko ang kanilang ganti datapwat hindi ko sila gagantihan ng anumang masama. At sa araw din yaon ay iniisip ko kung papaano ako magiging matatag na pader na kahit ilang bagyo man ang dumaan ay nakatindig parin ako, iniisip ko rin kung papaano ako magiging matatag na pader na kahit ilang lindol man ang dumaan ay nakatayo parin ako sa lupa. Hinihintay ko kung kailan at saan ako makakarating sa pamamagitan niya na nagbigay sa akin ng buhay mula sa pasimula ng aking buhay, ito’y kaliit-liitan.

Parati kong iniisip kung pinagkakaitan ako ng tadhana, walang kasintahan, walang pera, walang kapanalig, walang kausap, walang kasiyahan, walang asawa, ako’y nag-iisa at walang kasama subalit may pananalig at siya ang aking parating kapanalig sa araw man o sa gabi at gayun pa man ay may malaki akong pasasalamat sa kanya mula sa lupang aking kinatatayuan patungong langit. Pinakikisamahan ako ng mga tao dahil sa nakikita nilang kalungkutan at pag-iisa sa aking mga mata, tanging mata ko lamang ang ginagamit ko upang makita ko ang mga masasayang bagay sa paligid ko. Masaya ang nararamdaman ko sa tuwing marami akong nakikitang mga kakaibang bagay tulad ng mga taong nagsasaya sa hapon at umaga pati narin sa gabi, umuupo lang ako sa tabi at tinititigan sila at kahit ako’y nagugutom at umuutang sa mga taong maaari kong lapitan ay ginagawa ko maitawid ko lamang ang sarili ko sa kagipitan at sa tag-gutom dahil sa ito lamang ang nakikita kong paraan nang ako ay nasa kolehiyo.

At sa kasalukuyang panahon, isang binibini ang aking nagustuhan kahit sa sandali ng pamamalagi sa lugar, binihag ako ng kanyang kasimplehan, may mga hiyas sa kanyang katawan, ang hubog ng kanyang katawan, isang pilibusterong binibini, sa kanyang mapupulang labi, ang kanyang bilugang mga mata, ang kaibig-ibig na kilos. Kinabukasan ay nabanaag ko, isang labong ng bulaklak na dala ng binata, tinitigan ko lamang sila at hindi kumibo.

Hindi ako kilala ng dalagang iyon, isa syang magandang dilag sa aking paningin at tangi kong inaalala kung ano ang pakiramdam ng pagkakaroon ng isang nililigawang irog o magkaroon ng isang kasintahan. Tumitingin lamang ako sa paligid, bawat lakad at hakbang nila ay aking pinagmamasdan, sa isang tahimik na lugar, nakaupo ako sa tabi at hinihintay ko ang paglabas ng binibini sa kainan kasama ng kanyang binata.

Kinaiinggitan ko ang lalaking iyon, tunay ngang may mga mata ang tadhana ng buhay. Ipinakikita naman ng aking kilos na nahihiya akong tumingin sa mga mata ng dalaga. Akin ngang sinabi, “sana ay pansinin nya ako kahit man lang bigyan ako ng isang sulyap ay sya nang ikatutuwa ng aking damdamin”. Hinintay ko ang bawat sandali at di naglaon ay pinagbigyan ako ng tadhana sa aking kaliit-liitang hiling.

Sa oras ding yaon ay tumingin ako sa malayo, tangi kong tinitingnan ang sinag ng araw sa banig ng dagat sa katahimikan nito, ngunit sa pagkakatagal na pagtitig sa paglubog ng araw kasabay ang walang hudyat na pag-papaalam ng dalaga, walang iniwang ngiti, walang iniwan ng bakas ng pagsulyap, walang iniwang bango ng kanyang katawan, wala. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin sa tabing dagat, sa aking pananatili, o kung akin bang lilisanin ang lugar sapagkat wala na ang dalaga sa lugar o mananatiling maghihintay ng panibagong nginti at sulyap at ang gabing ito ay malungkot.

Nilisan ko na ang lugar na iyon at bumalik kinabukasan at sa paglipas ng oras ay unti-unti rin namang dumarami ang mga tao sa lugar, palubog na ang araw at narito; isang matandang lalaki na may dala-dalang pamingwit at mga pain. Pumili sya ng lugar at naupo sa buhanginan malapit sa aking kinauupoan. Kanyang inihanda ang pamingwit at nilagyan ng pain sa kawit, kanyang inihagis ito sa malayo at naghintay ng ilang sandali.

Nagmuni ako, nag bakasakali, nag hintay ako, at heto hinihila ng isda ang kawit at pagdakay tumayo ang matandan at nang hinila nito ang kanyang pain ay wala akong nakitang isda ni maliit na isda; wala. Ikalawang pagkakataong ay nilagyan nya ito ng pain sa kawit, inihanda at inihagis sa malayo, umupo ang matanda at tumingin sa malayo, tanging ako lamang ang nanonood sa matanda kung paano pagtiisan ang paghihintay sa paghuli ng isda gait ang katutubong pamingwit na gawa sa isang kawayan at tali.

Muling may isdang humila sa pamingwit at pagdakay tumayo ang matanda at unti-unting hinila ang pamingwit, walang reaksyon ang mukha ng matandang lalaki. Tanging nagpapatatag ng kanyang pagtitiwala ay ang kaalamang hindi maaaring mawala ang mga isda sa dagat. Sa ikatlong pagkakataon ay nilagyan na muli ng pain ang kanyang pamingwit at inihagis sa malayo, siya’y umupo habang lumubog na ang araw.

Sa pagkakataon na iyon ay hindi nawawalan ng pagtitiis ang matanda. Swerte ang matandang lalaki na kahit isa man lamang na isda ang mahuli ng kanyang pamingwit at umabot ng ilang oras ang paghihintay ay naisip ko ang bagay na ito; ang pagtitiis ng matandang lalaki na aking nakita’t nakasama sa hapon ding yaon ay katulad rin ng mga taong binabalutan ng pagtitiyaga’t pagkakaroon ng pag-asa.

 itutuloy…….

Posted by belisima at 10:40 am | permalink | Add comment

I took the night

July 16, 2008

I took the night

I took a gloomy night, an icy place to the bottom

of the moon’s flare.

The wind lashes cheek and at eyes,

and so I lay beneath it and gazed the moonlight.

I wondered if something surrounds me,

but yet I took the night with my loneliness

and I wondered how the hush seemed

to be afton but yet I took the night with my tough

consciousness. I heard music and it uttered stale reverie,

and yet I took the night with a

reminisce. I am a captive a captive of my heart’s fear,

of my fancy night, of a cold wind

and of a sweet song. On raise whisphered tender,

on raise stars whisphered softly and yet

i took the night boldly and camly. There is a wonder

of a song to the flow of wind and

there is a wonder of the evening to the flow of sweet smile.

I took the night a simple and

noble but yet i took the night with an obscene consciousness,

and thereof i had to. Once, i

trangressed the night, trangressing the shadow of a doom.

There he is a tyrant, a tyrant is

me. Once, i took the night and a night turned to a harsh despair.

No more nightmare, daymare, aroint thee, aroint thee.

-Wilfredo Bolbes

Posted by belisima at 10:39 pm | permalink | Add comment

Ang Paglalakbay ni Alexis

Mozart - Violin Concerto No. 3 (Mozart)

Agradecido

Part 1

 

Damdaming napapagod at nasasaktan. Pinipilit na ibangon ang mga tuhod mula sa kahirapan, at sa pag-iisa ay tahimik ang aking paligid iniisip ko kung papaano at ano ang aking gagawin. Pinipilit alamin kung bakit ganito ang naging aking buhay sa ngayon, natatanong sa sarili kung ano ba talaga ang gustong mangyari sakin ng Panginoon ko.

Ayaw kong mabuhay ng walang dahilan ngunit sa pagsisikap kong malaman ang ganitong aspeto ay minarapat ko nalang hayaan ang tadhana na gawin ang kanyang mga balakin sa akin. Kalungkutan sa araw at gabi, katahimikan sa bawat oras. Hindi makatulog sa gabi sapagkat dinadalaw ako ng kung ano. Panalangin ko na sa abot ng aking makakaya at pagiging matapang ay malampasan ko ang hirap ng aking kalagayan. Puno na ang damdamin ko ng luha at nakita ko ang aking mga luha buhat sa langit na syang bumabaha sa lupa.

Ayaw kong umiyak sa dahilang kinikimkim ko ang aking kalungkutan at pagdadalamhati at hinahayaan na mahupa ito. Kinakausap ang sarili bunsod ng pag-iisa, di makasalo ng iba sa ganang aking larawan. Hinahayaan ang puna ng bawat tao.  Gaya ng aking ama na tinatapakan ang pagkatao ng mga nagsisilakihang pangalan sa baryo. Animo’y may pinag aralan nga’t walang prinsipyo. Ang aking ama ay may prinsipyo gaya ko rin naman na matapang ang kalooban.

Ginising ako ni ama upang alamin kung ano ang ibabayad ko sa kailangan ko at hindi naman ako nag atubiling sumagot sa kanya at pag dakay inabot ang perang dalawang libo ngunit nakikita ko sa mga mata nya ang mga luhang ayaw bumagsak upang di ko masaksihan ang kahirapan sa kanyang nararanasan. Alam ko kahit hndi nya sabihin dahil anak nya ako, bakas sa mukha nya ang hirap ng pagtitiis sa pang-aapi ng mga tao sa kanya at sa tuwing nalulugmok at nalulungkot ang kanyang pag-ibig ay gayun din ang nararamdaman ko.

Masakit isipin na kami ay apiapihan lamang sa harap ng tao ngunit batid ko na sa ganang kakayahan ay ipinamumungkahi din namin sa lahat na may silbi rin kami sa lipunan. Tinanatong ko ulit sa umaga kung bakit ganito ang pagising sa akin ng tadhana, ano ba talaga ang gustng mangyari sa amin ng panginoon ko. Masakit masaktan sa kamay ngunit mas masakit sa damdamin kung makikita ko ang aking minamahal na nalulungkot, aalis ako sa umaga at maghahanap ng panibagong gawain sa dahilang kinakailangan ang utos ng aking magulang para sa kinabukasan namin. At ng natapos na ay nangyari ang sumunod na araw..

Umaga nanaman at nagmumuni, sa malayong silanganan ay inalala ang nakaraan. Napansin kong maraming mga dalagang naggagandahan, kanilang ipinabungad ang balat ng porselana sa madla, kanila rin namang ipinabungad ang pagpapasikip ng kanilang mga suso. Alam ko ang layunin nila, bakit ka mag mamaganda sa madla kung wala kang motibo at sa may di kalayuan ay may mahangin na ihip sa dakong kaliwa ko at harap. Hindi ko sinadyang makita ang kanilang mga hita bagaman wala akong ginagawa, yumukod ako sa likuran.

Pinalilibutan ng maraming dalaga na may mga kolerete sa kanilang katawan, hapit ang damit at hapit ang pantalon, bakas ang magandang hubog ng kanilang katawan, may mga mapupulang pisngi at ang mga labi, may mababangong ligaya. Gusto kong tikman ang isa at pagkatapos ay ang isa rin naman, gusto kong matikman ang sarap ng ligaya sa sandaling oras, isang oras o hanggang limang oras ay ang paghahambog ko.

Maalindog ako pag dating sa romansa at pinang-gigigilan ko ang babaeng may pamigkis sa kanyang dibdib, hapit at bakas ang magandang hubog ng katawan ngunit inisip ko na pagkatapos ko man na gawin iyon ay anong mangyayari sa akin. Ganun parin at walang magandang mangyayari, mararamdaman mo lang ang ligaya sa sandali ngunit hnidi ang tunay na hinahangad ng magandang puso.

Ayaw ko itong gawin pero narito ang demonyo sa paligid at naghahanap ng kanyang masisila at makakasama sa impierno. Sa kabila ng lahat ng ito, nag titiis ako hanggang makahanap ako ng isang birhen sapagkat siyang kapuri-puri magpakailanman at bukod dito, nais kong baguhin ang kabataan ko at magsimula ng panibaong buhay ngunit humahadlang ang tadhana sa balak kong ito. “Bakit kaba ganyan Alexis?”, ito ang tinatanong ng konsensya ko. “Ano ba talaga ang gusto mo, magbagong buhay habang bata pa o magpakasawa muna habang bata pa? sabi mo noon sa sarili mo nais mong magbago pero hindi naman pala natutupad bunsod ng maraming tukso at pagkakaabala sa isip mo“. At sinabi pang muli ng aking konsensya, “tila marami kang gustong mangyari sa buhay mo at hindi mo maintindihan ang mismong nilalaman ng iniisip mo!” Minsang naitanong sa sarili na, “kung mamamatay lamang ako ay ayaw ko namang dumating sa oras na mamamatay ako sa sarili kong kamay.” Sinabi ng sarili, “gusto kong ilibing ang aking katawan at mag pahinga na lamang kung wala rin namang akong kabuluhan sa lupa, gusto kong bumalik sa alabok, gusto ko sanang kunin  ng aking panginoon ang aking kaluluwa, gusto kong maging alagad ng kabutihan pag akyat ko sa langit.

At sa gabi ay ganito ang nangyari, malamig sa akin ang gabi, di ko mahawakan ang malambot na hangin, tititig nalang ba ako sa ulap upang makawasan ang patak ng luha at manatili sa mata na lamang? Sa may malapit na tanawan ng bituin sa alangit, ako ay naka-tayo at malalim ang iniisip. Parang gusto kong umiyak pero ayaw ko, gusto bang sabihin ng puso ko na walang nag- mamahal sa akin? Ano ba talaga ako sa mata ni ina’y? natatakot ako na sa bandang huli ay pabayaan lang ako ni inay at ako’y maging palaboy sa lansangan; sa kabila nito ay mga luha ang tinamasa. Pero sambit ng aking dibdib na bago man iyon mangyari ay patatatagin ko ang aking damdamin kahit na walang magmahal sa akin at sarili ko lamang ay lalayo ako at maghahanap ng kasiyahan ko sa buhay. Mariin ko rin namang sinasabi sa aking sarili na may silbi rin naman ako pero tawagin mo ang aking pagalan at darating ako at sa oras na hndi ako mahagilap ninoman ay hindi ko sasadyaing di sumipot sa pagkakataon.

Naghanap ako ng binibini ngunit wala akong makita, akin siyang binigyang pansin ngunit hindi ako pinakinggan, ako’y nagpakitang baba ng loob upang masaksihan ng kanyang puso ang aking pakiramdam at butihing asal ngunit hindi pala ito ang naging batayan sa sandali datapwat may mga bagay silang tinatangkilik liban sa mga sinabi ko. Kanilang iniibig ang mga nag gagandahang lalaki, may pera at mayaman, nag-aral sa kilalang unibersidad, naililibot ng kanyang irog ang irog at nadadala ng mabulaklak na pananalita at nagbubunga ng sandaling saya.

Oh ang tao nga’y may kanya kanyang gusto at ayaw, iniisip ko na sana ay mawakasan ko ang lahat ng ito at mapagtagumpayan ko sapagkat gusto kong maramdaman ang malaking ganti ng langit sakin kung ako man ay sasabak sa kasamaan ng tao. Silang mga tao ay nangmamata at nang aapi, sabihin man ng kanilang labi o hindi ay marunong akong makiramdam, marunong mahiya at marunong umunawa. Lumapit ako sa dalaga dahil gusto kong mag pahangin, lumayo siya na sa kanyang dahilan at iniisip ay maaari ko siyang bastusin, maaaring nakawan, lumalayo siya dahil hindi nya ako kilala, minamata ako ng kanyang mga mata na parang gusto niyang sabihing “sino ba ito at naririto sa tabi ko, sana umalis kana diyan!” malinaw ang lahat sa akin, iniintindi ko na lamang ang kanilang iniisip sa akin pero ano man ang kanilang ipuna sa pagkatao ko ay malulungkot ako ngunit ang pagkatao ko ay hndi mawawala’t magbago man ang panahon.

Ala una ng madaling araw ay nananatiling gising ang aking diwa, nagbabakasakaling may marinig sa sasabihin ng bulong ng isip. Nasaksihan ko ang kasamaan nga, naririto’t hindi nalalaman ng marami na may makapangyarihang tao sa lupa at siyang ginagawang bato ang mga pusong puspos ng maka mundong nais. Lulan ng malaking pag-iisip ko ay ang bagabag, bumabagabag sa aking ulo, kinakalabit ng di kawasang pag-gising sa gabi at araw, pinaiikot ng ulo ang katawan sa higaan, hindi makatulog at di malabanan ang walang humpay na lakas ng sariling diwa.

Natatakot ako sa kung anong mangyayari sa wakas ng lupa at sa dagat o bago man mangyari ang lahat ng ito ay ipinananalangin na huwag maabutan ng dilim ang mga matang nananalaysay sa liwanag, ramdam ng aking pag-iisip ang bagabag at ang dala nitong gulo sa balat ng alabok, tinatanong sa mismong sarili kung sino ang taong yaon o ano ang gagawin niya sa oras na dumating ang kanyang masayang araw ng pag-dalaw sa mga kaluluwang naninirahan nang buhay. Sarili kong konsensya ang siyang tumatakot sa akin, sa aking kaluluwa, sa aking diwa,…..oh bagabag sa isipan ko; kailan ka mawawala at titigil ng iyong pag-dalaw.

May tanglaw ang gabi at may tanglaw ang umaga, sinong papanig sa dilim at sinong papanig sa liwanag? Bagabag sa isipan ko, “malalaman ko ba kung ako’y tulog ay babalik na sa alabok?”, “iminumulat ko ang mga mata ko at ako’y bumabangon, isang panibagong araw ang sasapit“, at narito,  alas dos ng madaling araw, tila sariwa ang gunita ko, walang ihip ng hangin, ni pagkagutom, ni pagka-uhaw, ni antok man ay di ko maramdaman, tanging pawis ang nanalaytay sa aking mukha, nakaupo’t nagiisip, natatakot sa sariling higaan, sambit sa sarili, “ayaw ko pang matulog pero hinahamak ako para humimlay na, hinamamak din naman ako upang mag- isip pa“, tinanong sa sarili, “ganito ba ang aking kapasidad sa buhay, ganito ba ang takbo ng aking buhay, ganito ba kung papaanong ako ay bigyang bagabag sa isipan ko? ganito ba,ganito ba…?!”, lahat ng ito ay siya kong tinanong ng walang humpay. Kinapootan ko ang gabi sapagkat ako’y binabagabag ng lalaking yaon, datapwat nalalaman ng sarili na hindi pa tapos ang lahat ng ito. Kinapopootan ko ang gabi ng aking bagabag. “Ang kaibigan kong si Enrique ay pumanaw na, tila ang lahat ay malungkot ngunit maluwalhati at may bagabag na nadarama kasabay ang lungkot.”


Ang mga sinabi ni Alexis ay ito: “Ang pagbisita mo ay siya kong ikatutuwa, makinig ka sa aking mga bulong ng labi, may mapulang labi, may mabilis na pagtibok ng matikas na dibdib“. “Magpahangin ka’t magpalamig, tumitig ka sa paligid mo at sa mga patay sinding ilaw ng pascua“. “Makikita mo ang pita ng iyong laman sa sandaling ikaw ay mag isa’t walang magawa, hinahanap ng iyong laman ang panandaliang nais, ang pita ng iyong laman ay nariyan na.Halina sa aking piling, lumapit ka, hubarin mo ang iyong kasuotan, ang iyong pamigkis, oo ang iyong saplot sa katawan.

Manginig ka sa aking gagawin; ang iyong bulaklak na kung sariwa’y masarap sa dila”, “hawakan mo ang aking mga kamay, yakapin mo ang aking katawan at ramdamin ang init sa akin, idikit mo sa aking matikas na dibdib ang iyong malaking dibdib, iparamdam mo sa akin ang iyong kalibugan ng iyong  katahimikang basag; tumingin sa mata at nagbabadya ng pangahas na pita ng laman at malalim na pagnanasa“. “Iyong basain ang laman, maganda’t masarap kung iyong hihipuin“, “hipuin mo pa ng iyong mga kamay ang buo mong katawan,nariyan na; mananatili ang bango sa iyong bigkis sa dibdib; dadamhin ko ang iyong mga hita, ibuka mo at ipakita sa aking mga mata at nangangahas na pita ng aking mga laman. Halikan mo ako sa aking leeg, sa tenga, sa labi, sa dibdib, sa puson pababa; hayaang isipin ng iyong isipan ang libog, hayaang gawin ng iyong kamay ang ninanais na paghipo sa maselang katawan,… bahala ka“.

Lalasapin ko ang pawis nating dalawa, magsaya tayo’t huwag hayaang masayang ang oras,; ihiga mo pa ang iyong katawan mahal ko, ang libog ng iyong katawan na kaaya-ayang pagmasdan. “May dilim pa sa ilalim ng buwan at ang buwan ay tila mga mata ng pusa sa pangil ng dilim”. “Marahan kong ipapatong ang nag-iinit kong katawan sa iyo oh dalaga”, masikap kong paliligayahin ka sa gabi ng iyong pagbisita, tikman nating dalawa ang ating libog, pakinggan mo ang bawat uyog at ingay na tumatapik sa balat mo… masarap….ibabaon ko at magbibigay ng mas lalong masarap….masarap, narito na..! narito na…!; oh ang buhay natin, gaya ng isang nagniningas na apoy at pagdakay ubos na ang nakasalang gatong, manghihina ang ningas at tuluyang magdidilim ng kasalukuyan; iyong dagdagan ang kanyang baga at magniningas ng mainit”. “Pagod na ako dalag, ibinuhos ko na ang aking lakas mapaligaya lamang kita oh mahal ko, sa uulitin… sa uulitin pang muli….hanggang sa iyong muling pagbisita oh pita, magpahinga na tayo, ipikit na ang mga mata….  ipikit na…”.

Malapit nanamang sumapit ang araw ng Pascua, marami nanamang may pera, abala sa mga paghahanda ng panibagong bilihin, mga panibagong kagamitan at gadyet na binalutan ng ibat-ibang dekorasyon at disenyo na pang - regalo, panibagong kasuotan, panibagong galaan sa gimikan, panibagong pabango, pitong araw na lamang ay sisibol na kasi ang araw ng Pascua. Sabik na akong makapag-gala kasama ang aking pamilya, o di kaya ay mga kaibigan, ang kanilang irog sa buhay; sa tabing-dagat; mga naggagandahang ilaw, mga ilaw na nakasabit sa bawat punong madaanan at hindi na alintana ang ingay ng mga karwahe’t sasakyan.

Sa maynila nga ay maraming nagsisulputang mga kainan at mga parke, madilim man ay masayang pagmasdan dahilan ng dalang ningning sa bawat tanaw ng mga mata. May nalalaman ako na kanilang ginagasta ang mga pera datapwat hndi alintana ang kamahalan ng mga yaon, masasarap na mga pagkain, mga taong dinudumog ang bawat bagay at lugar na sa kanilang mga mata ay dumaraan, iba na ang naaamoy at nararamdaman kong atmuspera.

Naririnig ko na ang mga putukan at ningning na sumasaimpapawid at sa kapaligiran, bitbit ng mga murang edad ang mga pulbura’t pangsindi, nagliliwanag ang kalangitan sa gabi, may mga kantahan kasabay ang mga handang serbesa, may mga pulutang dala ang mga kaututang dila, ibinabandera ang ingay mailabas lamang ang nais na kasiyahan; minsanan lamang kasi ito. May nalalaman din naman ako, may mga taong simple lang mamuhay sa bawat taon, sampung pansit kanton na binili ni manang sa tindahan, isang malaking plato na may ispageti at isang pitsel na may laman ng  dyus ang mga ihahanda ni ama at ina’y.

Pitong araw bago sumapit ang araw ng Pascua, kanikanyang mga ikinakanta ng mga kababaihan at kalalakihan pati narin ang mga batang nasa lansangan ng bawat gabi ay may kanikanyang kantang inihahandog sa bawat kabahayan. “sa may bahay, ang aming bati; meri-krismas na maluwalhati, ang pag-ibig ang siyang naghari, araw-araw ay magiging pasko lagi, ang sandipo napagparito, hihingi po ng aginaldo at kung sakaling kami’y perwisyo, pasensya na kayo kami’y namamasko…… ”, ang kanta ng mga bata sa harap ng bahay.

May naririnig ako at may nakikita, may nararamdaman ako, at may dalang pasan. Sana nga ay araw-araw ay Pasko, narinig ko ang mga ikinanta na may dalang magandang himig sa aking dalawang tainga. Inisip kong ang tunay na pasko ay wala sa iba, nasa naghihinagpis at pagsasakripisyong pagbuhos ng dugo sa kanilang mga balat, ginagawang pawis ang bawat dugong nananalaytay kay itay, tinatanong ang sarili, “ano ba talaga ang tunay na araw ng pasko o ang kabuluhan nito sa karamihan pati sa amin?, may pag-ibig ang bawat isa?, ang pasko ba ay para sa araw lamang ng disyembre?, sinasabi nilang tahimik ang gabi kung pasko at banal ang gabi?”.

Nalalaman ko din naman, ginawa nilang ordinaryong okasyon ang pasko, ginawang okasyon at hindi ginawang parte ng buhay sa araw-araw na pamumuhay, akin ngang narinig, “himig pasko’y laganap, mayroong sigla ang lahat, wala ng kalungkutan….”,sinabi ko sa sarili, “hindi totoo ito!”, may mga taong nananatiling malungkot kahit dumapit ang araw ng Pascua! Sa pagbalik sa nakaraan, nalalaman ko ang himig ng sinasabi ng bawat tao; inihahanda na ang mga pangunahing dadalhin sa araw ng pasko, ipagdidiwang ang araw ng pasko at pagmano kay lolo’t lola, ninong at ninang, kuya at ate, nanay at tatay, batang kapatid, pamangkin at mga inaanak, mga tradisyong hindi mawawala.

Batid ko sa aking sarili Alexis, ipagdidiwang ko ang okasyong ito, nais ko sanang makita lamang ang masasayang tao, nagkakasamang mga pamilya, walang lungkot at tanging saya ang namumukadkad sa bawat puso ng marami, nais ko sanang magliwaliw na may dadalang pera, kumain lamang at uminom hindi ng alak, bumili ng gamit na mapapakinabangan sa huli, magbigay ng mga di magagamit na pera o bagay man. Lugod kong ikatutuwa ito ngunit ikalulungkot ko namang wala akong kasama sa paglakbay, ibubuhos ko baga ang aking mga luha dahilang walang kasama sa buhay o titiisin ang kalungkutang yaon hanggang pumanaw ang araw ng Pascua, Alexis?

Nais ko rin namang matikman ang saya nila na gaya kong walang halos pasko sa damdamin, at may lungkot na bakas sa aking mga mukha. Lumipas na ang mga araw na nagdaan, lumipas na din ang mga kalungkutan, ngunit di ako pinapatakas ng mga ito. Sa aking pagliliwaliw, pilit parin akong ginagambala sa aking pag-iisa, sa isipan ko’y nais kong sabihin na bakit sa lahat ng mga tao na nasa lupa ay ako pa ang napiling gambalain, ginagambala nga ba o may nais iparating sa akin ang langit? Iginigiit ko sa aking sarili na ako’y masaya ngunit nakapasakim  ang paligid sa akin, may mga matang nakatitig na di kanais nais, mga mga galaw na di katanggap-tanggap.

Liban sa aking paglalakad, may isang lugar akong nakita, isang tahimik na lugar, napakagandang pagmasdan at ito nga, binilang ko ang ilaw sa lugar at ang bilang ay labindalawang ilaw, sa gabi ay napapasailalim ang isang romantikong kulay, sa araw ay napapasailalim ang katahimikan. Binagtas ko ang lugar, lumabas ako at nabilang ko ang mga lakad ko, isang humigit kumulang isang daan at dalawamput walo ang bilang ng hakbang bago ako makarating sa aking parating inuuwian, madalas kong tinatanawang dagat kung saan nais kong magpalipas ng oras, panahon ng pag-iisa, mga kalungkutan, kasiyahan, pagdaramdam o pighati.

Minsan na akong umupo sa harap niyaon at tinititigan ko lamang ang araw hanggang sa lumubog ito, may liwanang ang kalangitan, napakabuti ang pagbibigay sinag sa karamihan, tuwing tititig ako sa bagay na iyon ay sinasabi ko sa aking sarili na sana ay may taning na ang aking buhay upang maranasan ko ang di kawasang pagpapahinga ng aking katawan, gusto kong humimlay ng mahabang panahon, hindi ko pinananatili ang luha sa aking mga mata bagkus isang patak lamang ay maaari ko nang ilabas ang pighati ng aking puso. Labis kong iniisip na malulungkot lang ako kung mawawala rin lamang ako, ayaw kong iwan ang aking ina at ama, mas tatanggapin kong iwan nila ako at lakbayin ang hirap na kanilang naranasan sa kanilang pagtatanda.

May kamalayan sa aking paggunita na aking iniisip, paano kung ako ang mawawala, ano ang kanilang sasabihin? “O giliw ko, tulungan akong lampasan ang aking naranasang hirap at pighati, kanila na akong itinataboy sa liwanag, kanila na akong iwinawaksi sa apoy, kung di man ay hndi ako mamamatay nang hindi lumalaban, mas nanaising mamatay kaysa mawala ang aking dangal.

Posted by belisima at 10:35 pm | permalink | Add comment